PROLOGUE:


Nagising ako sa maliit na silaw ng araw na tumatama sa aking balat. Hirap akong gumalaw dahil masakit ang gitnang bahagi ng katawan ko. Huli na ng maisip ko na nakuha na ang pinakaiingatan ko.

Wala na 'yung mahalagang bagay na pwede kong iregalo sa mapapangasawa ko balang araw. Umuwi ako galing sa INN kung saan ako dinala ng lalaking kumuha ng dangal ko.

Naabutan ko sina tita at dad na nag-aaway. Gusto ni tita na palayasin ako. Anak ako ni dad sa unang asawa. Namatay si mom dahil sa sakit na cancer kaya nag-asawa si dad ng bago pero sa kasamaang palad, hindi na magkakaanak si tita kasi baog.

Gigil na gigil si tita na palayasin ako hanggang sa 'di ko na matiis. Lumayas na ako sa bahay.

Tutal nakikitira naman kami ni dad sa kanya kaya naging madali sa'kin ang lumayas.

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING