Chapter 1 (Panganib)

SHANE’S POV 


Kanina pa ako gising. Kanina pa mulat ang aking mga mata, at kanina pa rin ako nakahilata sa kama.

Ewan ko ba pero wala talaga akong gana pumasok ngayon. 

Wala akong gana bumangon.

Wala akong gana kumilos.

Wala akong gana sa lahat.

Parang lahat ng mga bagay ay walang gana. Hayts!

Anong BUHAY ba naman 'to. Iniisip ko pa lang 'yung future ko, feeling ko mamamatay na ako.

*Tok Tok*

"Shane, bangon na, Ano ba!," sabi ni mama.

Agad akong nagtalukbong ng kumot at nagkunwaring tulog with hilik. Hehehe!.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mas lalo ko pang ginalingan ang pag-acting.

"Hoyyy babae! Kapag hindi ka pa bumangon dyan, ibubuhos ko sa'yo 'tong pinakuluang tubig."

"What the hell!," mahina kong bulong na mukhang narinig niya naman.

"Arayy! Mama. Aray! Tama na mama! Babangon na po," usal ko nang ipatikim na naman niya sa akin ang napakasarap niyang kurot sa pwet ko.

'Tsk. Sa batang paslit lang ginagawa 'yon ehh.'

"Aba'y dapat lang dahil late ka na, mahal na prinsesa!"

Nakasimangot akong tumayo.

"Si mama naman eh!"

"Aba't gusto mo pa talagang mapalo. Teka lang!"

"Mama, heto na nga eh maliligo na. I love you mama."

Isang 'I love you' lang yan at matutunaw na ang kung ano mang nagpapainit ng ulo niya. 

'Parati siyang ganyan every morning.'

"Hayts, oo na. I love you rin. O siya, kailangan ko ng pumasok sa trabaho. 'Yong breakfast mo ay nakahanda na. Kumain ka na lang at tyaka heto 'yong baon mo. Ilalapag ko na lang sa kama, okay? Bye."

Rinig ko pang saad niya mula sa kwarto ko dahil nandito na ako sa loob ng banyo na kasalukuyang naliligo.

'Hayts! Si mama talaga Kaya mahal na mahal ko ‘yon eh. Siguro hindi ko kakayaning mabuhay ng wala siya.'

Siya na lang kasi 'yong pamilya ko. Kaming dalawa na lang ang magkatuwang sa buhay.


"CLASS dismiss!" 

Niligpit ko na 'yong mga gamit ko na nagkalat sa mesa ko at maya-maya lang ay handa na akong umuwi.

"Shane!"

"Yes?," tanong ko sa classmate ko nang tawagin niya ako.

"Sabay tayo. Hindi kasi ako masusundo ni Daddy ngayon eh. He's too busy. Pwede ba?"

Siya si Ericka, ang top 1 sa classroom.

Pero syempre, hindi naman ako magpapahuli dahil top 2 ako .

I'm glad na gusto niya akong makasabay sa pag-uwi.

"Ohh, of course."

"So let's go!"

Sasagot na sana ako nang maalala kong kailangan ko pa palang dumaan sa mall dahil bibili ako ng gift para kay mama.

Yes! Gift. Birthday niya na bukas. Ayoko namang palampasin 'yon dahil minsan lang sa isang taon y’on kaya naman I want to give her a surprise. Hehe!.

"Ah I forgot. Meron pa pala akong dadaanan. Mas okay if maghanap ka na lang ng ibang kasabay."

"What?"

"May kailangan pa kasi akong daanan eh. Sorry."

"Its okay. Saan ba 'yon? Pwede kitang samahan."

Hindi naman kami close pero ang FC ha!

"Sure ka?"

"Okay lang. Maaga pa naman eh and beside, ayoko pang umuwi. So, ano? Okay lang ba?"

"Ammmm...sa Mall?"

"Exactly! I'll buy there too. So tara na?"

"O-okay"

Okay din naman pala siyang kasama, Talkative, childish konti and ang jolly niya ahhh. Feeling ko close na kami ng sobra.


NANDITO na kami sa mall. Agad akong pumunta sa mga damitan at nagtingin-tingin ng mga damit.

'Saan kaya dito? Ang Hirap pumili! Maraming magagandang damit at elegante kung titingnan. Hindi naman maarte si mama pero gusto ko 'yung talagang magugustuhan niya. Hayts!'

"Shane, what do you think?"

Nilingon ko si Ericka na iba na 'yung suot.

Sa totoo lang, maganda at sexy si Ericka. Kaya kahit anong suotin niya ay babagay sa kanya samantalang ako, hayts....

'Nasobrahan yata ako sa ganda. Hahaha.'

Nag-thumbs up lang ako sa kanya at muling bumalik sa pagpili.


MAKALIPAS ang ilang minuto ay nakapili na rin ako ng maganda. Sigurado akong magugustuhan niya ito. Hehehe.

Masaya akong lumapit sa casher at nagbayad kasabay ni Ericka. Ricka na nga lang for short.

Habang sa paglalakad ay patingin-tingin ako sa relo. Ewan ko ba pero parang gusto kong makauwi agad dahil feeling ko may hindi magandang mangyayari.

Something weird in my body.

I feel nervous.

I feel worried and WTF!

What's wrong with me?

I feel, that my mother is at risk!

"Shane, are you okay?"

"Huh?," wala sa sarili kong saad.

Kinakabahan talaga ako. 

Hindi ko alam kung bakit.

 Pero tumatambol ng sobrang bilis 'yung puso ko at pinagpapawisan ako ng malamig.

"Share, what's wrong? Pinapakaba mo naman ako eh."

"Ahm. I will go first!"

"Wa-what? Shane!"

Agad akong tumakbo at pumara ng taxi.


MGA ilang minuto lang ang lumipas ay nasa bahay na 'ko.

Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil sobrang likot ng mga mata ko.

"Ma?!"

The light is on.

"Ma?"

The TV is on.

"Mama?!"

I'm hope, okay lang siya.

"Mama! Mama! Where are you? I'm home."

Napaupo ako sa sahig ng walang sumagot. Konti na lang at feeling ko, babagsak na 'yung mga luha ko. 

Nanginginig ang buo kong katawan at basang-basa ang uniform ko dahil na rin siguro sa malamig na pawis dulot ng kaba.

Hindi ko alam ang gagawin.

Hindi ko alam ang dapat gawin.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin! 

Ano ng gagawin ko ngayon?

At sa puntong 'to, tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko.

"Mama! Nasaan ka na? Mama, magpakita ka! Natatakot na 'ko. Mama, ayoko pang mawala ka!"

Napatakip ako sa mukha habang sunod-sunod ang hikbi sa aking bibig.

Nang....

"Aray!"

"Anong drama ba iyan? Aba'y jusko ko eh. Sana naman sinabi mo sa'kin na balak mo pa lang mag-artista eh, ede sana'y sinabayan kita ng hindi ka magmukang tanga riyan! Maryusep kang bata ka oh. Tumayo ka nga riyan"

"Aray!," muli kong usal nang ihampas niya sa'kin 'yong sandok na hawak niya. 

Maluha luha pa ang mata ko kaya agad ko 'yung pinunasan at tumayo para yakapin siya.

"Anak, aba'y.… Ayos ka lang ba? Hindi mo naman siguro kailangan umiyak kung namimiss mo ako."

"Mama! I thought may masamang nangyari sa'yo, ka-kaya...Mama!"

Nanlaki ang mata ko.

Namasa ang aking pisngi.

Nanginginig ang buo kong katawan.

At sa puntong 'to

Para na akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

Para akong napako sa sahig.

Para akong natuyuan ng laway sa sarili kong hininga.

Pero sa totoo lang...

Konting uga na lang ay babagsak na ako.

Bigla na lang siyang natumba.

At sa kanyang pagtumba ay umagos ang napakaraming dugo mula sa kanyang noo.

"Hi-hindi. Hindi. Hindi!!! Ma-mama. Mama!!! Gu-gumising ka! Mama. Mama, gumising ka!!! Gumising ka!!! Hindi 'to pwede!!! Mama, 'wag mo akong iwan!"

Sunod-sunod ang aking pag-iling kasabay ng mga luhang walang tigil sa pag-agos habang siya'y pilit kong ginigising na kahit alam kong imposible ng mangyari iyon.

"Ba-bakit?"

Napasandal na lang ako sa pader.

Hanggang sa marinig ko ang mga pulis na paparating.

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING