Chapter 2 (I'm Yours)

SHANE'S POV 

Walang tigil sa pag-agos ng mga luha ko habang nakatulalang nakatingin sa rehas na hindi ko aakalaing magiging kapalaran ko .

Hindi ko alam kung anong oras ako matatapos sa pagdadrama.

Masyado ng empty ang utak ko at ang tanging natira na lang doon ay ang mama ko.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman.

Galit!

Pangungulila.

At sakit.

Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar itong nararamdaman ko dahil sobrang sakit, sobrang hapdi at sobrang nakakagigil na.

Gusto kong magwala.

Gusto kong ilabas lahat galit at lungkot na nasa loob ko.

Gusto kong ilabas lahat ng kinikimkim ko.

Gustong gusto ko na lang rin mamatay!

Dahil feeling ko, wala ng natira sa'kin ni isa. Wala ng lahat sa'kin. Wala ng ni konting natira.

Siya na lang 'yung meron ako pero pati siya ay kinuha na rin.

Ganyan ba talaga ka-unfair ng lahat?

Ganyan ba talaga kasama ng mundo?

Ganyan ba talaga ang Panginoon? 

Ayokong isipin 'to, pero sinisisi ko ang Diyos!! Wala siyang ginawa noong time na kailangan ni mama ng tulong niya. Wala siyang ginawa noong nasa panganib si mama. 

Wala siyang ginawa!

Anong ginawa mo?

Nanood ka lang!

Pinanood mo lang ang lahat!Pinanood mo lang kung paano binaril si mama!

Pinanood mo lang kung paano siya pinatay!

Wala kang awa!

Ang unfair mo!!

Ang unfair mo!!

Ang unfair mo!!

Kahit anong bait ang ipakita mo, kung wala ka namang ginawa, anong silbi niyon?

Eto ba talaga ang gusto mo?

Ang mawala sila isa-isa?

Ang mag dusa 'ko?

Ang sirain ang buhay 'ko?

Ngayon, gusto ko ng mamatay. Kunin mo na rin ako, tutal sirang-sira na 'yung buhay ko at ayoko na ring mabuhay!

"A-ayuko na! Mama, ba-bakit nangyayari sa’kin 'to? Ayoko na!"

Napayakap ako sa tuhod at sunod-sunod ang paghikbi. Basa na ang aking suot, namamaga na ang aking mga mata, at gulo-gulo na rin ang aking buhok. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?


"MISIS Shane Grigureo?"

"Ye-yes?"

Agad akong tumayo nang tawagin ng pulis ang full name ko.

"Kailangan mo ng magbigay ng impormasyon."

Patuloy pa rin sa pag-agos ng mga luha ko.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinigilan ang aking hikbi. Pinunasan ko ng dalawa kong kamay ang aking mukha at inayos ang buhok. Muli pa akong huminga ng malalim dahil feeling ko, naubusan ako ng hininga dahil sa pag-iyak.

Pagkatapos niyon ay lumabas na ako.

Dinala ako ng police sa isang room na may medyo kadiliman dahil ang tanging ilaw lang ay ang ilaw sa gitna na kulay dilaw pa.

'Wala akong kasalanan pero bakit ako nandito?'

Nakaposas akong pinaupo sa upuan na may kaharap na mesa.

'Ako ang namatayan pero hinuli ako na parang kriminal.'

Nang may dalawang police na pumasok. Medyo hindi ko pa masilayan 'yung mga mukha nila dahil nasa parte sila ng madilim. Hanggang sa makalapit sila ay sunod-sunod akong napalunok.

'I want to run right now but I can’t.'

Malaki at damulag 'yung isa ngunit baliktad naman sa isa. Matipuno ang kanyang pangangatawan, perpekto ang kaniyang mukha at nakakapandak 'yung tangkad niya.

'Ayoko na please!'

"Oh, Paano. Ikaw na ang bahala riyan. Mukhang kaya mo naman yan," wika ng damulag bago lumabas.

So, kaming dalawa lang ang nandito sa room.

Agad akong napaiwas ng tingin nang titigan niya ako ng seryuso. Masasabi kong nakaka-attract ang kanyang mga titig kaya naman hindi ko siya matitigan ng deretyo.

"Ms. Shane Grigureo, may kasabihan tayong kapag hindi ka makatingin ng deretyo sa taong nasa harapan mo ay ginawa kang kasalanan. So totoo ba? Did you kill your mother?"

At sa puntong ito ay muli na namang bumuhos ang mga luha ko Nakipagtitigan ako sa kanya kahit sobrang labo na ng mga mata ko dahil sa mga luha.

Hindi ko na alam kung saan ko pa nakukuha ang lakas ng loob upang makipagtitigan sa pulis na 'to dahil sa totoo lang, sobrang hinang-hina na ako.

"Tell me, did you kill your mother?"

Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa mesa na nakatayo sa harap ko.

"If I say no, do you believe?"

"Everything you will say, I’ll believe in you."

Eye to eye,

Face to face,

And,

 Mouth to mouth.

Muli akong napaiwas ng tingin nang makaramdam ako ng ilang.

"Like what I said, ang hindi kayang tumingin ng deretyo sa mga mata ay may nagawang mali, maliban na lang if may ibang dahilan."

'Anong sinasabi niya?'

Nanatiling nakatagilid ang ulo ko nang hawakan niya ang baba ko upang ipinaharap sa kanya.

"Tell me the truth and I will help you."

"What kind of help?"

"Maaari kitang tulungan makalaya if hindi mo talaga pinatay 'yung magulang mo."

"Of course! Hindi ko siya pinatay! Hindi maaatim ng kaluluwa kong patayin ang sarili kong ina."

"I see."

"I do not have any family nor relative. How can I kill my mother? Kami na lang ang magkatuwang sa buhay. Siya na lang ang pamilya ko. Kaming dalawa na lang ang magkasama. Hindi ko kaya ng wala siya! Tell me, how can I kill my mother ? I love my mother. I can't live without my mother!"

At sa puntong 'to ay tuluyan na akong napahikbi.

Ang bigat sa pakiramdam. Pakiramdam ko, mayroong batong nagpapabigat sa puso ko, mayroong kadenang nagpapabigat sa bawat paggalaw ko.

"Your answers are enough to believe. You may leave now."

Napatango na lang ako bago tumayo at walang ganang naglakad nang hawakan niya ako sa braso.

Tiningnan ko siya ng may pagtatanong nang mapadako ang tingin ko sa dalawa kong kamay na nakaposas.

'WTF!'

"Anong pulos ng paglaya mo kung aalis ka rin ng nakaposas?," wika niya bago ako tinanggalan ng posas.

'This man was different of what I think.'


NAGLALAKAD na ako, hindi para umuwi dahil alam ko namang maraming mga police doon.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. 

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. 

Hindi ko na alam kung may paroroonan pa ba ako.

Ewan ko!

Gulong-gulo na 'yung utak ko,

Sumasakit na 'yung ulo ko.

Parang may kung anong kadena na nasa paa ko at para akong zombie kung maglakad.

Nasa gilid ako ng tulay.

Masyado ng madilim.

At nanginginig na ako sa lamig.

Wala ng masyadong tao at sasakyan.

Sobrang tahimik ng paligid.

Napatitig ako sa ibaba ng tulay kung saan ay may tubig.

Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

'Kingina!!! Anong kamalasan ba naman 'to!'

Bakit ngayon pa?

Pwedeng isa-isa lang!

Hindi ko napigilang sumigaw at sabunutan ang aking sarili.

Hindi ko pinansin ang malakas na ulan. Tumitig ako sa ibaba. Maya-maya lang ay nakahawak na ako sa bakal at lumipat sa kabila, mahigpit ang aking pagkakahawak dahil paniguradong 'pag bumitaw ako ay mahuhulog ako but I'm ready to die. 

I'm ready to kill myself right now because I'm not scared of death.

Saktong pagkidlat ay ang aking pagbitaw sa madulas na bakal.

Mabilis kong naramdaman ang napakalamig na tubig sa aking katawan at ang tubig na unti-unting umuubos sa aking hininga.

Nakabuka ang dalawa kong palad habang patuloy ang tubig na pumapasok sa aking bibig.

Ramdam ko ang luha sa aking mga mata bago ko ito tuluyang ipinikit.

Handa na ang aking katawang lumubog sa ilalim ng may matipunong katawan ang yumakap sa'kin at hinila ako pataas.

No way!

Tila tuluyang nagising ang aking diwa sa katangahang pinaggagawa ko ngayon. Parang kusang sumama ang aking katawan pataas at ramdam ko ang napakabilis na tibok ng puso ko na parang tinatambol ng sobrang bilis. What happened?

Pinikit ko na ng tuluyan ang aking mga mata dahil tuluyan na akong pinasukan ng tubig sa bibig.

But before I lost consciousness, I felt someone's lips kissed me.


DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata at tanging puti ang agad na sumalubong sa akin.

Medyo malabo pa ang mga bagay na aking nakikita kaya paulit-ulit kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa luminaw ang lahat.

Kulay puti 

Mga makina 

Hospital bed.

I'm in the hospital!

"Finally, you're awake!"

Agad kong iginala ang paningin ko hanggang sa huminto ito sa isang matipunong lalaki na may perpektong mukha at ubod ng tangkad.

"Are you done checking me?"

"No, I mean..."

"How are you?"

"Who are you?"

Siya 'yung pulis na nagtanong sa'kin but I don't know his name.

"Let me introduce myself Ms. Grigureo. I am police PO2 Centmor Divanes, the most handsome police officer who saved you."

Tssk hangin.

"Hindi ko alam na may kahanginan din pala 'yong mga pulis," bulong ko.

Pero sana, hindi ko na lang binulong dahil biglang sumama 'yong tingin niya.

"Repeat what you said!"

"Eh paano kung ayoko."

"Aba't sumasagot ka ah."

"Malamang, kasi may bibig ako."

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin pero wala na akong pake.

"Eh kung tahiin ko kaya ‘yang bibig mo."

"Try, I don't hella care!"

"Ano bang nangyayari sayo, babae ka?"

"Bakit mo 'ko niligtas?"

"Because I'm a police."

"Oo pulis ka pero hindi mo obligasyong iligtas ako."

"Pero trabaho kong iligtas ang mga tao."

"Kahit ikamatay mo?"

"Parte 'yon ng pagiging pulis."

"Pero ayaw mo naman sigurong mamatay 'di ba."

"Bakit sino bang may gustong mamatay?"

"Ako, pero bakit mo 'ko niligtas? Umuulan non. Posibleng hindi ka makaligtas dahil malakas ang ulan."

"Dahil nga pulis ako. Parte ng pagiging pulis ang iligtas ang mga tao, kaya kahit saan kami magpunta, nasa tabi namin ang panganib, kahit pa hindi namin gustuhin. So if it's not good for you, magpasalamat ka na lang, because there's a tax life to help you to survive."

"Whatever!"

"Bahala ka nga. Ang dami mong sinasabi eh."

"Teka!," pigil ko sa kaniya nang binalak niyang umalis.

Agad akong tumayo, tutal wala namang mga nakakabit sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at parang batang kumapit sa braso niya.

"What are you doing?," pagtatakang sabi niya.

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING