Chapter 3 (Crazy Girl)

SHANE'S POV


"What are you doing?"

Ngumiti ako ng pilit na tumingin sa dalawang pares ng kulay abo niyang mga mata.

"What do you think your doing?"

"Mr. PO2 Centmor Divanes."

"What?"

Pilit kong nilabanan ang ilang at tumitig ng deretyo sa kaniya.

Alam kong kabaliwan itong nasa isip ko pero ito na lang 'yung tanging paraan upang makaligtas ako kay kamatayan. Mahirap itong aking pinagdaraanan kaya baka isang araw matagpuan na lang 'yung bangkay kong inaagos ng tubig.

Hindi pa naman ako tuluyang tinatakasan ng bait, but I think it's better to entrust my life to others, because from now on, I have no right to hold my life.

" You saved my life."

"Then?"

"Alam mo kasi, naniniwala ako sa kasabihang kapag niligtas mo ang buhay ng isang tao,ibig sabihin niyon, sa'yo na 'yung buhay niya. What I mean is wala na siyang karapatang saktan 'yung sarili niya or kitilin ang buhay niya dahil pag-aari mo na iyon."

"What do you mean by that?," medyo inis niyang tanong habang tinatanggal niya  'yung kamay ko sa braso niya.

"From now on, sa'yo na ako. Pag-aari mo na 'yung buhay ko. May karapatan ka nang saktan, patayin, reypi-n o ma-mahalin ako."

"What the hell!"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa mga kahihiyang pinagsasabi ko.

"Basta! Pag-aari mona ako simula ngayon."

"Crazy girl, what do you think of me? Umaampon ng baliw na babae? Don't me!"

Muli akong tumitig sa kanya with paawa effect.

"Mr. Divanes, wala na akong pamilya, kahit kamag-anak, wala. I don't even have friends."

"Jowa, wala ka rin?"

"Meron."

"Ede doon ka."

"Meron ako 'pag jinowa mo."

"What?!"

"Mr Divanes, pag-aari mo na ako ngayon. Pwede mo akong jowain if you want."

"Abnormal! I don't have time para makipaglokohan, Ms. Grigureo. Aalis na rin ako. Bayad na 'yung bill mo dito so puwede ka nang lumabas anytime you want."

"O-okay."

"I'm leaving. Bye."

Muli akong kumapit sa braso niya at nagpaawa effect.

"Ako ay sayo na."

"Hindi pwede!"

"Please."

"No!"

"Please."

"I said no!"

"Please."

"Kulit! Still no!"

"Please."

"No!"

"Please."

"Can you please stop! Ano bang tingin mo sa sarili mo? Na pwede mo na lang ipamigay 'yang buhay mo sa taong hindi mo naman kilala? Ano bang tingin mo sa buhay? Isang bagay na pwede na lang ipamigay kahit kanino ? WTF...!"

"You don't know what I feel. Wala na akong pamilya. Si mama na lang 'yung meron ako pero kinuha na rin siya," sabi ko  na may halong taas ng boses.

Hindi ko na napigilan 'yung pagtaas ng boses ko.

'Kung makapagsalita siya, parang alam niya 'yung pakiramdam na mawalan ng magulang.'

"That's not what I mean."

"Hindi mo kasi alam 'yung pakiramdam na mawalan ng magulang. Sobrang sakit , Mr. Divanes, okay? Sige, if you don't want, wala ka nang karapatang pigilan ako!"

Kinuha Ko 'yung kutsilyo na nakapatong sa mesa at tinapat iyon sa pulsuhan ko.

"Go!," sabi niya

"Wa-what?"

Tinitigan ko talaga siya pero mukhang wala siyang pake sa gagawin ko.

"Kill yourself!"

"A-ano?"

"Uulitin ko pa ba?"

"Hahayaan mo akong mamatay?"

"Ikaw ang may sabi 'di ba? 'Huwag kitang pigilan dahil wala naman akong karapatan.'"

"Pe-pero?"

"Pero what?! Go, Ms. Grigureo. Kill yourself! Let's see if may mapala ka."

"Meron talaga! Makakasama ko na 'yung pamilya ko sa langit."

Ngumisi siya at pinagcross ang mga braso na tumingin sa akin.

'Akala ko ba matutulungin ang mga pulis?'

"Why not, ha?!"

"Dream on ha! Kill yourself at talagang magmemeet kayo ng demonyo."

"Akala ko ba pulis ka?"

"Pulis nga ako."

"Pero bakit hinahayaan mo akong mamatay?"

"Hindi kita hinahayaan, Ms Grigureo, dahil sinusubukan kita."

"Ah ganun! Gagawin ko talaga 'to!," lakas loob ko.

"Go! Manonood ako."

"Abat...!"

Hindi maipinta ang mukha kong binitawan 'yung kutsilyo.

"Hahaha!," tawa niya.

"Anong nakakatawa?"

"Ang cute mo."

Abat...biglang uminit.

'Stop Shane! Kamamatay lang mama mo. Huwag kang lumandi!'

Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Umayos ka na, dahil sasama ka sa'kin."

Agad kong tinanggal 'yung kamay sa mukha.

"Aampunin mo na ba ako?"

"Hindi! Dadalhin kita sa presinto ng dumala ka."

"Hu! Ano? Ayuko doon!," parang bata kong ngawa.

"Akala ko ba, pag-aari na kita?"

"Ha? Pe-pero?"

"Mag ayos ka na. Huwag ng maraming satsat okay? Maghihintay ako sa labas. You have 5 minutes to adjust yourself," huli niyang sinabi bago siya lumabas .

Hayts! Napatampal na lang ako sa noo dahil sa kagagahan ko.

'Ginusto mo 'yan 'di ba, kaya panindigan mo!'


NAKATANAW lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga store na mabilis na nawawala sa aking paningin.

Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Mr. Divanes.

'Seyuso ba talaga siyang ikukulong niya ako? Kagagaling ko lang sa hospital tapos dederetyo na ako sa jail! Eh kung buti sana, may kasalanan ako eh. Hindi nga ako makabasag pinggan. Hayts...! Hanggang ngayon, dinudurog pa rin 'yung puso ko sa pagkawala ni mama. Hindi ba siya naaawa sa'kin. Kung nagawa kong mag suicide, malamang magagawa ko ulit 'yon but this time, hindi na ang tumalon sa tubig kundi ang iuntog ang ulo sa pader sa loob ng jail.'

I'm fucking crazy! Actually!

"We're here!"

Inunahan ko na siyang bumaba at pabatong sinara ang pinto dahilan upang mapatingin siya sa'kin.

"What?," kunwaring mataray kong tanong.

"Anong problema mong babae ka?"

"Wala!"

Bumaba siya ng kotse at lumapit sa'kin.

"Wala naman pala eh. Bakit nagdadabog ka?"

"Trip ko. May magagawa ka?"

"Wala, pero ang ibaling ang trip mo sa pinto ng kotse ko is not okay."

"Ahh.. So ganun, mas mahalaga ang kotse kaysa sa'kin?"

"Oo, bakit? Ano ba kita sa tingin mo?"

"Pag-aari mo 'di ba?"

"Isang bagay na pag-aari ko. 'Yun yon!"

"Abat...Bagay din naman 'yang kotse mo ah."

"Pero mas mahal siya kaysa sa libre."

"Pulis ka ba talaga?"

"Tsk ang ingay mo. Pumasok na tayo."

Nilahad ko sa kaniya 'yung dalawa kong kamay dahil alam ko namang ikukulong niya ako kaya bakit hindi niya pa ako iposas?

Tss pool!

"Ano yan?"

"Posasan mo ako."

"And why?"

"Ikukulong mo ako 'di ba? Bakit kaya hindi mo ako iposas!"

"What?!"

"'Di ba kaya mo naman ako sinama dito ay dahil may balak kang ikulong ako. Kaya 'yan na!"

"Hahahahahahahaha," tawa niya. Mukhang nang-aasar pa.

"Anong nakakatawa?"

"So inisip mo talaga na ikukulong kita? Hahahahaha!"

Mas humagalpak pa siya ng tawa.

"Eh bakit? Hindi ba? 'Yon naman talaga 'di ba?"

"Haha stupid!"

Hanggang sa tumigil na siyang tawa.

'Ano ba kasing nakakatawa?'

"Maka-stupid ka naman. Oo na, tanga ako at magpapakatanga pa ako 'pag tumawa ka."

"Okay fine. But you really think na ikukulong kita?"

"Oo."

"Hayts! Ang sabi mo, pag-aari na kita 'di ba? Kaya dapat lang na kung saan ako ay nandoon ka rin."

"Ah--ahh...ga-ganon ba 'yon. Hehehe!"

Napapahiya akong napaiwas ng tingin. Haytss, kahihiyan, pero anong sabi niya? 'Kung nasan ako nandon ka rin?'  WTF! So, it means, pati sa pagligo niya at pag-cr ka-ka...KASAMA AKO!

"Awts!," usal ko nang pitikin niya 'yung noo ko.

"What's on your mind ha?!"

"Wa-wala. Bakit ba namimitik ka?"

"Ang minded mo. Tsk!"

"Ano namang minded doon bukod sa isasama mo ako kahit sa pagligo at pag cr?!"

Napatakip ako sa bibig.

"What?!"

'Ang daldal mo Shane.'


TAHIMIK lang akong pinagmamasdan siya habang seryosong-seryosong nakatingin sa mga papeles. Nandito lang naman ako sa opisina niya at talagang napakaboring.

"Kumain ka na?," bigla niyang tanong.

"Ha?"

"I said, kumain ka na?"

"Ah Wa-wala pa."

"Okay."

'Yun lang at muli siyang tumingin sa mga papeles.

'So ganun, nagtanong lang. Hindi man lang nagyayang kumain. Anong klaseng pulis ba siya?'

"1 minute. "

"Ha?," pagtataka kong tanong.

"Wait the food."

"Ha?"

'Ano ba yan! Para akong tanga kaka-ha!'

*Tok Tok*

Nang may pumasok na babae. May mga dala siyang pagkain na halatang galing pa sa Jollibee.

'Kaya agad akong natakam.'

Nilapag niya 'yon sa harap ko.

Nakaupo kasi ako sa sofa na may kaharap na mesa at doon niya 'yun nilapag. After that ay umalis na siya.

"Eat."

"Ha?," parang ang tanga ko na namang tanong.

Tinanggal niya 'yung salamin sa mata niya at masama akong tiningnan.

"Hehehe!," sabi ko habang may konting kaba.

"One more ha, and I will kiss you."

"Ha? Hansarap ng mga pagkain," kunwaring dugtong ko sa hu.

"Tsk!"

"Sungit!," bulong ko na lang.

'Kumain na kaya siya?'

"Mr Divanes?," bulong kong tawag

"What?," sagot niya na sa papeles parin ang tingin.

"Kumain ka na?"

"Not yet."

"Sabay na kaya tayo."

"Kailangan ko pang tapusin 'to."

"Ano ba kasing tinatapos mo? Hindi ka ba magugutom?"

"Isa 'tong murder na kailangan kong masolve."

"You mean, may hawak kang case?"

"Yep!"

Bigla naman akong napaisip at bigla namang pumasok sa isip ko si mama. 'Yung pag patay sa kanya. Isa 'yung murder, so sino naman kayang may hawak sa kaso ni mama?

"Stop thinking nonsense," sabi niya.

Tumayo siya at humila ng upuan. Nilagay niya iyon sa harap ko at umupo, kaya ngayon ay magkaharap na kami habang nasa gitna 'yung mga pagkain.

"Bakit ganyan ka makatingin?," taka kong tanong nang mapansin Kong titig na titig siya sa'kin.

"Okay ka na ba talaga?"

"Ewan."

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

"Amm para kaseng..."

"Maalaga akong tao, kaya ayuko ng ginugutom 'yung alaga ko."

"Alaga? You mean, pet?"

"Yes, cutie cat, kaya kumain ka na kung ayaw mong pulutin sa basurahan."

"Ang sama mo ah! Pusa talaga! Ede sana, isda na lang yong binigay mo sa'kin!"

"Eh bakit? Gusto mo ba?"

"Tsk bahala ka na nga."

"Kumain ka na," may lambing niyang sabi.

"Ayoko!, " pagmamatigas ko.

"Eat!"

"Ayoko!"

"Eat or..."

"Still ayoko!"

"Or I'll eat you."

"Ayu... Ko."

Bigla akong tumigil.

"What did you say?," pagtataka kong tanong.

"Ah ang ...ang sabi ko, kakain na ako!"

Isinawalang-bahala ko na lamang ang sinabi niya kanina. Kumain na lang ako. Agad kong nilantakan 'yung spaghetti kahit sobrang nakakailang 'yung tingin niya.

"Goodcat. After that, may pupuntahan tayo."

"Talaga!"

"Hey! Don't talk if your mouth is full. Mas lalo kang nagmumukhang pusa."

Sabay ngumiti siya na tila nang-aasar.


TULAD nga ng sinabi niya ay may pinuntahan kami.

Sa hospital.

Oo sa hospital.

Nandito kami sa hospital.

Dito kami sa room kung saan sobrang kumakabog ang dibdib ko.

Sa room kung saan feeling ko ay matutumba na ako na wala sa oras.

Sa room na kung saan ay nakahiga ang isang babae na natatakpan ng puting kumot.

Unti-unti akong lumapit at dahan-dahang napaluhod sa kama kasabay ng mga luhang parang gripo sa pagbagsak.

Eto na naman. Iiyak na naman ako. Wala na namang tigil ang mga luha ko.

At muli ko na namang naramdaman 'yung pangungulila, 'yung sakit na parang dinudurog 'yung puso ko, 'yung kirot na parang may karayom na paulit-ulit tumutusok sa puso ko.

'Yung hapdi na parang ang tagal humilom.

'Sana ako na lang. Sana ako na lang 'yung binaril. Sana ako na lang 'yung nasa sitwasyon niya. Sana ako na lang 'yung nakahiga. Sana ako na lang 'yung pinatay.'

'Sana kasi, may nagawa ako. Sana kasi, umuwi ako ng maaga. Sana kasi, hindi nangyari 'yon .'

May ilahad siyang panyo sa gilid ko. Humihikbi-hikbi ko 'yung kinuha at pinunasan ang mukha.

Huminga ako ng malalim bago tinanggal 'yong kalahati ng kumot mula sa ulo niya.

"Ma-mama, mama, mama!! Bakit mo ako iniwan? Wala na akong pamilya. Sino ng karamay ko sa mga problema? Mama!!! Huk huk huk!"

At sa puntong ito ay humagulgol na talaga ako.

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING