Chapter 4 (She Past Away)

SHANE'S POV


Sobrang nagunaw ang mundo ko noong namatay si mama, and this is the day na dapat ko na talagang tanggapin 'yung totoo kahit masakit sa loob ko. Tanging paghikbi ko na lamang ang nagawa ko habang pinapanood 'yung mga taong hinuhulog 'yung mga bulaklak sa kabaong hanggang sa ako na 'yung sumunod.

Inalalayan ako ni Mr. Divanes. Habang papalapit kami sa kabaong na nasa hukay na ay unti-unting nanalambot ang mga tuhod ko.

Tila nawalan ako ng lakas.

Tila tumigil ang lahat.

That feeling na konti na lang ay tutumba ka na. Salamat na lang at nakaalalay si Mr.Divanes.

Wala pa ring tigil sa pagbagsak ang mga luha ko habang unti-unting binibitawan 'yung bulaklak.

Hanggang sa naramdaman ko 'yung pagyakap sa'kin ni Mr. Divanes.

Aaminin kong nabigla ako roon pero wala akong lakas para ipakita 'yon at ang tanging nagawa ko na lamang ay ang humikbi sa dibdib niya.

"Now, she past away. Ang sakit! Iniwan niya na 'ko Mr. Divanes. Wala na akong pamilya. Wala na!"

I can't stop these emotions dahil sobrang sakit. Hindi lang eto 'yung unang beses na nangyari ito sa buhay ko. Marami na ang nag-iwan sa akin.

"Shhh! She past away but not her memories with you. Don't you think na wala ka ng pamilya because I'm here to be your family, okay?"

"Ganito pala 'yon, 'yung nanay mo na nakasama mo buong buhay mo ay makakasama mo na lang bilang ala-ala ngayon."

"Dahil hindi lahat ay mananatili at hindi pwedeng panghabang-buhay ay mananatili pa rin sila."

"Bakit ganoonn?," umiiyak kong tanong.

"Stop crying. Hindi ikaw 'yung naglalaba ng damit."

Tiningnan ko siya ng masama.

'Ang sama!'

"Hahaha. Pinapatawa lang kita," sabi niya habang nakangiti sa akin.

"Pwes, ang corny ng joke mo!"

"Ang tanong, joke nga ba 'yon?"

"Oo?"

"Tumawa ka ba?"

"Hindi."

"Hindi kasi joke 'yon. Hahaha!"

"Ewan ko sayo!," inis kong saad

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya dahil sa totoo lang, nakakailang 'yon.

"Cutie cat?"

"What?"

"Don't try to kill yourself again, dahil kung pagod ka ng mabuhay, mas pagod 'yung taong nagpalaki sa'yo."

Napatingin ako sa kanya at ramdam kong sincere siya.

"Pero nanatili siyang buhay para alagaan ka dahil iniisip niya yong future mo. Huwag mong isipin na magpakamatay dahil lamang sa iniisip mong iniwan ka na ng lahat."

Napayuko na lang ako dahil alam kong tama siya.

"Cutie cat, namatay siya hindi para iwan ka, kundi para subukan ka."

"Su-subukan?"

"Oo, ang mama mo ay nagawa na ang hamon ng Diyos kaya ngayon, ikaw naman ang sumubok."

"Takot ako, takot akong sumubok pero mas takot akong sumuko ng hindi pa sumusubok."

"Don't be scared. Nasa tabi mo lang ako, okay? Kaya 'wag kang matakot dahil ang pagsuko ay isa ring pagsubok, and I know na kaya mong lampasan 'yon."

Napapaluha akong napangiti. Alam kong magmumukha akong tanga pero hindi ko mapigilang ngumiti.

Ang sarap pala sa pakiramdam na may nagsasabi sa'yo ng ganoon dahil bawat katagang lumalabas sa bibig niya ay tumatatak sa puso't isipan ko.


MATAPOS kong kunin 'yung mga gamit ko sa bahay ay pinagmasdan ko muna 'yong kabuuhan ng bahay namin.

'Yung dating full of happiness, full of energy and full of memories, ngayon ay wala na akong nakikitang saya o bakas man lang ng sigla nitong bahay, at ang tanging nakikita ko na lamang ay ang lungkot dahil lilisanin ko na ang tahanang aking kinagisnan.

'Sana lang ay magawa ko itong lampasan at magkaroon na ng hustisya ang pagkamatay ni mama.'

"Let's go," yaya ni Mr. Divanes na nauna ng pumasok sa kotse.

Hindi man lang ako tinutulungan sa mga gamit ko. 'Napaka-gentledog!'

Binitbit ko na 'yung maleta at 'yung malaki kong bag. Nilagay ko 'yon sa likod at umupo sa tabi niya.

"Okay. Let's go!"

Pinaandar niya na 'yung kotse. Habang nagda-drive siya ay pinakialaman ko 'yung music ng kotse niya pero agad niyang tinapik ang kamay ko at pinatay nito 'yung music.

"Ang bad mo," parang bata kong usal.

Ang lakas naman kasi niyang manghampas ng kamay at parang music lang ehh.

'Tsskk, ang damot!"

"Rule number one," sabi nito.

"Ha?," nagtataka kong tanong.

"Don't touch anything na pagmamay-ari ko maliban na lang kung inutos ko."

'Ang sama talaga! Parang 'yon lang, pinagdadamot pa.'

"Rule number two."

"Tsk!"

"Don't talk if I said."

"Tsk!"

"Rule number three."

"Mmm."

"Dapat lagi kang nakangiti 'pag nasa harap ko."

"'Yon lang?"

"Rule number four."

"Tsk!"

"Dapat lagi mo akong ipagtitimpla ng kape hangga't nasa teritoryo kita."

"Okay!"

"Rule number five."

"Mmm."

"Ikaw ang magluluto ng umagahan, tanghalian at hapunan ko."

"What?!"

"Rule number six."

"Ang daming rule ha!," reklamo ko.

"Isang reklamo mo lang, lalaplapin ko 'yang labi mo para matahimik ka. 'Yan 'yung rule number six ko."

Napalunok ako at hindi nakaimik.

'Seryoso ba siya?'

"Rule number seven, huwag kang maghahanap ng boyfriend hangga't nakatira ka sa teritoryo ko. Naiintindihan mo?"

"O-okay?"

Napalunok ako ng wala sa oras.

"Rule number eight, huwag kang lalapit sa mga lalaki at kung maari ay umiwas ka if sila ang lumalapit."

"Tsk!"

"Rule number nine."

Nilingon niya ako saglit at muling bumaling sa daanan.

"Ayoko ng mga babaeng iyakin, kaya kung maaari ay magpaalam ka kung iiyak ka."

"Ha?"

'Seryoso ba siya?'

'Anong sinasabi niya? Kasi parang may ibang meaning eh.'

"Rule number ten, catch me if I'm fall."

"A-ano?"

"Maganda ka, maputi, sexy and especially malaman kaya..."

Tumitig siya sa'kin ng saglit.

'What the!'

"Possible na mahulog ako sa iyo."

"Ang manyak mo!"

"Hahaha," asar niyang tawa.

Binaling niya ulit ang tingin niya sa daanan. 'Ano kayang nasa isip niya at nasabi niya 'yun!'


MGA alas otso na nang makarating kami sa condo niya. Sa totoo lang, first time kong makapasok sa ganito kalaking condo. Unang tingin pa lang ay mapaghahalataan mong pag-aari ng lalaki base na rin sa mga design at kulay nito na white and black.

Simple pero maaliwalas.

"Follow me!"

Nasa kaliwa't kanan ko 'yung napakalaking bag habang hila-hila ko naman 'yung maleta. Hayts!

Hanggang sa huminto kami sa kulay puting pintuan. Napatingin ako sa kaharap niyong pinto na kulay itim.

So, malamang ay kaniyang kwarto 'yon at sa kulay puti naman ako.

"Here's the key, cutie cat."

Hinagis niya sa'kin 'yung susi na madali ko namang nasalo.

"Don't worry, wala akong duplicate key but don't forget to lock the door dahil madalas akong maligaw ng room, okay?"

"O-okay?"

Napataas 'yung gilid ng labi ko nang agad siyang tumalikod

 'Tssk, suplado!'

Pumasok siya sa isa pang kwarto na may medyo kalayuan mula dito sa kinataayuan ko. So dalawa 'yung kwarto niya?

"Nevermind Shane," parang tangang sagot ko sa sarili ko.

Binuksan ko na 'yung pinto at binulsa 'yung key bago pumasok dala-dala ang mga gamit ko.

And to my surprise, sobrang ganda dahil punong-puno ng mga nagkalat na bote, balat ng chips, mga papel at marami pang iba.

'WTF.'

'Seriously?'

"Wag kang magreklamo Shane. Remember, nakikitira ka lang," bulong ko na bagsak 'yung panga at balikat ko.

Hindi ko iniexpect na maganda at maayos na kwarto ang aking madadatnan, dahil first of all, lalaki siya, second, he's not a girl and third, lalaki pa rin siya.

Hayts! Napahampas na lang ako sa noo ko dahil mukhang masisiraan na ako ng bait sa sitwasyong ito.

So what should I do now?

"Maglilinis!," nanlulumo kong saad.

Wala na akong nagawa kundi ang itabi ang mga gamit ko upang masimulan ko na ang paglilinis.

Ang una kong ginawa ay pinangdadampot ko 'yung mga bote at pinagsama-sama sa iisang lalagyan. Ganoon din' yong ginawa ko sa ibang mga kalat.

Matapos ko silang pag-ipunin ay nilabas ko ito at itinabi mona sa gilid.

Inayos ko sa tamang pwesto ang mga design at inalisan ng alikabok ang bawat sulok.

Woohhh, and the last ay pinalitan ko ng comporter 'yung kama.

"Finally!!"

Dinala ko na sa dapat tapunan 'yung mga karton-kartong basura pero bago 'yon ay nadadaanan ko 'yung kwarto kung saan pumasok si Mr.Divanes.

Apat na karton 'yon kaya apat na beses din akong pabalik-pabalik pero ni isang beses ay hindi ko man lang nakitang lumabas si Mr.Divanes. Tumingin ako sa relo ko at halos 12 pm na ng gabi.

Ang tanong, 'May balak pa kaya siyang matulog?'

Napahikab ako nang maramdaman ko na ang antok, pero hindi naging hadlang 'yon upang mawala ang curiosity ko kaya naman ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto upang silipin siya.

Nakasiwang lang 'yon ng konti pero kitang-kita ko kung gaano siya ka-busy sa mga papel na hawak niya.

But I think mga litrato 'yon.

Litrato ng mga victim, criminal or whatsoever kasi nga, pulis siya.

"Do you need something, Ms Grigureo?"

Napatanga ako dahil alam niya pa lang nakasilip ako.

'Pulis nga naman, lakas ng pakiramdam.'

"Ah gusto ko lang sabihing goodnight."

"Then"

'Aw! Then zone.'

"Sige, goodnight. Matutulog na ako and you, too."

Isasarado ko na sana 'yung pinto nang muli siyang magsalita.

"Dalhan mo ako ng coffee."

"Ha?"

"Dalhan mo ako ng kape."

"Ha?"

"I said coffee!"

"Ha?"

Napatakip ako ng bibig ng tumitig siya sa akin ng masama.

'Don't stare at me ha! Baka mahigop ako niyan!'

"One more ha, and I will zip your..."

"Your?"

'Stupid Shane!'

"Huwag mo ng alamin dahil malalaman mo na lang 'yon kapag inulit mo pa 'yung nakakabweset mong line."

Napatango na lang ako saka sinara ang pinto at tinungo ang kusina.

Haytss. Naglinis na nga ako ng kwarto na puro kalat naman niya tapos, uutusan niya akong magtimpla ng kape!

Ang tanong, 'Balak niya ba akng gawing maid?'

'Dami mong arte Shane! Remember, nakikitira ka lang kaya panindigan mo 'yan.'

Nag timpla na ako ng kape. Sinigurado kong masarap ang pagkakatimpla para may bunos as a maid. 'Joke!'

Tumungo na ako sa office niya.

Paano ko nasabing office niya? Kasi mukhang ginagawa niya 'yung work niya as a policeman, so kung ganoon nga, malamang nakakastress 'yon at nakakapagod.

Seriously! Even 12 pm, he's still working. Ganoon ba talaga kahalagang ma-solve ang isang kaso?

I guess.

Dapat lang pa lang ipagtimpla ko siya ng kape para magising 'yang diwa niya.

Pumasok na ako sa office ng walang katok-katok.

"Uso ang kumatok, Cutie cat."

"Pero mas uso pa ring pumasok without a knock. Hehehe."

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING