Prologue

SHANE’S POV


Paano ko ba lalabanan ang takot na pumupuno sa puso ko kung iyong mga taong kalakasan ko ay iniwan na 'ko. Sa gitna ng malakas na bagyo ay kasama ko kayo pero hindi ko na alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang paglalakbay at tatahakin ang madilim kong mundo kung sa gitna pa lang ay iniwan niyo na ‘ko? Hindi niyo man lang ako hinintay na makarating sa dulo bago iniwan. Ngayon, ang hirap-hirap ng mabuo. Parang sa bawat sadali ay palaging kulang. Ang kaligayahan, kaluluwa at buong puso ko ay nakadepende sa inyo. Pakiusap, itigil niyo na ‘to! Kung ang mabura sa mundong ito ang makakapagpawala ng sakit na nararamdaman ko ay gagawin ko.

"Hindi ako magsasawang mahalin ka Mor. Pa-patawad kung ngayon ko lang si-sinabi 'to pero nahulog na 'ko sayo. Mahal na mahal kita kahit hu-huling-huli na. Ma-mamahalin kita kahit wa-wala kana pero susundan kita kahit sa la-langit pa."

Pinahid ko ang mga luhang naglandasan sa mata ko at nanginginig ang mga paang umapak sa bato kung saan tanaw ko ang napakalawak na dagat.

Ang paglubog ng araw na kay ganda pagmasdan. Ang mga ibong nagliliparan. Ang dagat na unti-unting lumalakas ang alon. Ang malakas na ihip ng hangin na tumatama sa 'king katawan.

Sa huling sandali. Sa huling pagkakataon. Sa mga oras na 'to, hinihiling ko na sana'y panaginip lang ang lahat pero kahit na anong gawin ko, si Mr. Centmor Divanes ay hindi na babalik pa.

"Ako ay sayo at kahit wala ka na. Mananatili akong sayo hanggang sa kahuli-hulihan ng aking hininga. Paalam..."

at si Shane Grigureo ay tuluyan ng bumitaw…


Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING