ni: Jake The Writer
Palay, alam kong tutubo ka at uusbong
Ngunit sana’y hindi mo ipakita ang iyong noo
Manatili kang nakayuko at naghihintay
Na kuhain ang pinaghirapan mong bunga.
Sana…
Huwag mong ipainggit ang ginto mong kulay
Salamat na lamang at nakayuko ka
Alam kong hindi ka rin tatagal
Ngunit umasa kang ako’y maghihintay sa iyo
Maghihintay ako…