ni: Jake The Writer


Ako si Bebot, at ito ang kwento ko.

"Ahhh....," sigaw ko habang nasa lamesa ng kanilang kusina.

Narinig ito ng aking ina kaya ay agad itong lumapit sa akin para tanungin kung ano iyong masakit sa akin.

"Anak, ano ba iyong masakit sa iyo?" pag-aalalang sagot ni ina.

"Masakit po ung gilid ng tiyan ko."

"Ahhhh!!" iyan na lang lagi ang aking sigaw. Wala na akong bukambibig.

Lumala pa iyon at lagi na lang nag-aalala si ina kaya naman ay agad niya akong pinacheck-up at pinatingnan sa doktor.

Pagkatapos ng check-up ay

"Misis, may colon cancer ang anak ninyo. May nakita po kaming bukol sa colon niya kaya po ay kailangan na natin siyang ipagamot," malungkot na sabi ng doktor.

Nagulat kami, lalo na si inay. Agad syang tumingin sa akin at maluha-luha niyang sinabi sa doktor na

"Dok, gawin po ninyo ung lahat para magamot lang ung anak ko."

Lumabas na kami ng kwarto.

Makalipas ang isang araw ay mag-isang pumunta si inay sa ospital. Hindi ko alam kung bakit at bakit din ako nandito pa sa bahay at wala pa sa ospital para doon maconfine.

Sumasakit pa rin ang aking colon, pero natitiis ko, kasi alam ko naman na wala kaming pera.

Maya-maya ay dumating na si inay at may dalang maraming pasalubong. May tinapay, at mga biscuits.

Nagtaka ako, kasi nga bakit napakadaming dala ni inay.

"Inay, bakit po ang dami ninyong dala?"

"Anak, wala kasi tayong pera para maipagamot ka. Ito lang ang kaya ko, mga pagkain para mapasaya ka," nakangiting sagot ni inay na sa kaloob-looban niya'y malungkot siya.

Nalungkot na rin ako.

Kinabukasan ay mas lalo pang sumakit ang colon ko. Nataranta si inay. Sinugod na ako sa ospital. Alam ko na kinakabahan si inay ng mga araw na iyon, pero mas tinatatagan niya ang loob niya.

Wala na akong pakiramdam doon. Ayaw ko pa mamatay kasi ayaw ko pang iwan si inay. Siya na lang mag-isa sa buhay kapag nawala pa ako. Pero hindi ko na kaya, at nawalan na ako ng buhay.

Maya-maya ay nanaginip ako sa kung anong nangyayari kay inay habang hinihintay niya ako sa labas. Tila ba problemado siya. Hindi mapakali.

At sa isang iglap ay puti na lang ang nakikita ko.

Alam kong buhay pa ako, at maya-maya'y nagising na ako pero wala si inay sa tabi ko. Si tiya na lang ang nasa kwarto at malungkot na nakatingin sa akin. Nakatulog ako ng 7 buwan at sa loob ng mga panahon na iyon ay naoperahan na ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon katagal. Pero nakakapagtaka, nasaan si Inay?

Pero sinabi ni tiya na wala na si Inay. Nagulat ako at naiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Binigay ni tiya ang sulat na galing daw kay inay. Binasa ko iyon at sabi:

'ANAK, ITO LANG ANG ALAM KONG PARAAN PARA MABUHAY KA PA, ANG IBENTA ANG AKING MGA LAMANG LOOB PARA SA OPERASYON MO. ALAM KONG MASAKIT PERO GUSTO KO PA NA MABUHAY KA NG MATAGAL. PATAWAD. SANA MASAYA KA.

-NANAY"

Iyon ang kwento ko. Ang sakripisyo ni inay. Sa ngayon ay mayaman na ako dahil sa tulong ng isa ko pang tiya na pagkatapos mamatay ni inay ay ngayon lang ako napansin. Tumutulong na ako sa mga mahihirap, at sa mga taong may colon cancer. Pero hindi maalis sa isipan ko ang tanging paraan ni inay dati para mabuhay lang ako. Iniisip ko na kapag dumating ang panahon na kailangan ko iyong gawin ay gagawin ko, dahil nga sa mahal ko si inay.


THE END

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING