ni: Zerroineteyp


CAREEN POV
Ang gwapo niya, kahit saang anggulo ko siya tingnan,yong pungay ng mga mata niya na akala mo sayo lang nakatingin ,'yong tangos ng ilong niya na akala mo may lahing Indian at 'yong mapula niyang labi na laging tipid ngumiti.

"Ate! tinititigan mo na naman yong litrato ni kuya!"
Wika ng walong taon kong kapatid na babae nang makapasok siya sa room ko .Agad siyang sumampa sa hospital bed at nakatingin sa litrato.

"Ang gwapo niya diba?"

"Ate, magkwento ka tungkol sa inyo ni kuya Caven!"

"Sige ba." Umayos ako ng higa at tumingin sa kawalan na tila'y nakikita ang nakaraan sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw.

~FLASHBACK (SIMULA)~

Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang palabas ng hospital.
"Ano ba!" Sigaw ko nang may bumangga sa'king lalaki.

"Pasensiya na ,nagmamadali ako"

"Bakit? Ikaw lang ba ang nagmamadali?"

"Sa tingin ko, oo," pabalang niyang sagot. Inis kong pinunasan ang pisngi at matalim na tumingin sa kanya.

"Bwesit!" bulong ko na lang. Aalis na sana ako nang hawakan niya 'yong kamay ko na mas lalong ikinainis ko.

"Teka lang Miss, 'yong bag mo kasi...Hindi mo ba kukunin?"

Muli akong humarap sa kanya at napapahiyang tiningnan 'yong bag sa lupa.

'Ba't ba kase nawala sa isip ko?'

"Ako ng kukuha"

Hinayaan ko siyang kunin 'yong bag ko at agad ko iyong kinuha sa kamay niya. Aalis na sana ako nang pigilan niya uli ako.

'Ano bang problema ng lalaking 'to?' sabi ko sa sarili ko.

"Bakit na naman ba?!" inis Kong wika kasabay ng pagharap sa kanya.

"Pasensiya na ulit"

"May sasabihin ka pa?"

"Ah napansin ko kasing hindi ka maayos ,baka gusto mo 'kong samahan mag-noodles?Baka lang naman"

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Sino ba siya para yayain akong mag-noodles. Parang niyayaya niya na rin akong makipag-date. Siraulo siya!

"Ako si Caven Sandoval, magno-noodles lang tayo"

"Ah!!" Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong kumirot.

"Ayos kalang?"

"Mag-noodles tayo." 

Pilit kong itinago ang kirot na nararamdaman sa pamamagitan ng pilit na ngiti. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko 'yon.

NA-noodles kami sa isang maliit na tindahan at masasabi kong masaya siyang kasama. 'Yong tipong 'pag tumatawa at ngumingiti siya madadala ka talaga.

LUMIPAS ang isang linggo.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Palagi siyang tumatakbo sa isipan ko. Saan man ako magpunta, palaging ngiti niya ang nakikita ko. Saan man ako tumingin, palaging ang masaya niyang mukha ang nakikita ko .Hindi ko alam kung bakit -- meron sa loob ko na sana magkita kami muli.

"CAREEN!" Tila bumagal ang takbo ng oras. Parang may mga kumakarerang kabayo sa dibdib ko. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Unti-unti akong humarap sa kanya at pilit na pinakalma ang pusong nagwawala. Nakangiti siyang tumatakbo palapit sa'kin na siyang pagguhit ng ngiti sa labi ko.

"Careen! Kumusta?"

"A-ayos lang ikaw?"

"Ayos lang nakita na kasi kita eh"

Nakalimutan ko bang sabihing palabiro siya.

"Nakakatawa"

"Oy! Hindi 'yon biro ah"

Tumango na lang ako dahil alam ko naman talagang biro lang 'yon.

"Magkukunwari na lang akong totoo 'yon"

"Hindi mo kailangang magkunwari. Totoo talaga 'yon"

Napailing na lang ako nang mag pout siya.

Isip-bata.

"Mag-noodles uli tayo!" sabi niya habang nakangiti siya.

"Saan?"

"Ayon oh!"

Napangiti ako nang ituro niya' yong katapat naming tindahan kung saan kami nag-noodles nong nakaraang linggo. Hindi ko inakalang dito kami muling magkikita.

"Ano Tara?"

"Segi"

------------------

"Alam mo ba, sabi nila na pampahaba ng buhay 'yong noodles,"  wika ni caven

"Kasi mahaba," sabi ko.

"Hindi. Ang sabi kasi nila nagsimula ang noodles dahil sa pag mamahalan ng dalawang tao. Paano?"

"Paano?" nagtataka kong tanong.

"Ang pangalan kasi 'nong lalaki ay nod at 'yong babae ay dles ..." wika niya.

"Mmm...dahil sa kanilang pagtatalik nong gabing 'yon kung ano-anong nababanggit nila tapos dahil sa kanilang ..."

"Teka-teka!" bigla kong sabi.

"Alam ko na yan" wika ko na may halong pagyayabang.

"Pero..."

"Ako yong nag-sulat!"

"I-ikaw,ikaw si catlene?" gulat niyang sabi.

"Oo"

"Ikaw ah,ang hi..."

"Oo na ,ikaw din naman ah!"

" Nakakatawa. Ibang klase ka!"

"Bilib kaba?!"

Nagkatitigan kami ng ilang minuto hanggang sa natawa nalang kami sa hindi malamang dahilan.

"hahahahahahahaha!"
Ngunit maya-maya, napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong kumirot.

"Ayos ka lang?" pag-aalala niyang sagot.

Umiling ako bilang sagot.

"Dadalhin kita sa hospital"

"Hindi na! Bilihan mo na lang ako ng noodles. Ubos na kasi eh"

"Ikaw talaga, madiskarte ka"

"Mag-noodles tayo lagi"

Pakiramdam ko, 'pag kasama ko siya, wala akong dapat na ipagalala. Hindi ako nakakaramdam ng takot o pangamba.

"Pampahaba ng buhay"

"Siguro"

"Sige, lagi naman ako dito eh"

TULAD nga ng pinag-usapan namin, araw-araw nagkikita kami para mag noodles .Kahit saglit pa lang kaming nagkakilala, masasabi­­ kong napakalapit na namin sa isat-isa. Para na kaming matalik na magkaibigan kung titingnan. Pero isang araw, nagtaka na lang ako, wala ng Caven na nagpakita sa'kin. Inisip ko na lang na baka marami siyang ginagawa kaya araw-araw ay bumabalik ako sa palagi naming tagpuan, nagbabakasakaling bumalik siya at yayayain akong mag noodles. Ngunit halos abutin na ako ng dalawang linggo, buwan at taong kababalik pero ni anino niya ay 'di ko nakita. Sa puntong 'to parang gusto ko na lang umiyak sa isipang nahulog na 'ko sa kaniya at gustong-gusto ko na siyang makita pero totoo pala talagang hindi lahat nananatili.

Nandito ako sa tindahan kung saan mahilig kaming mag-noodles.Halos tatlong oras na kong naghihintay, nagbabak­­asakali ulit na magpapakita na siya kahit na alam kong imposible ng mangyari iyon, pero kahit na ganon ay umaasa pa rin ako.

Sana hindi ko hinayaang masanay ang sarili ko na palagi siyang nandyan, kaya ngayong wala na siya, ang sakit!

"Ah!" Usal ko nang biglang kumirot 'yong dibdib ko pero sa puntong 'to, mas matinding sakit yong nararamdaman ko. Nanginginig kong ipinatong sa mesa ang mga kamay ko at namimilipit akong napahawak sa dibdib ko. Nanginginig ako at pinagpapawisan ng malamig na tila ba'y giniginaw.Nangingini­g kong ipinatong ang ulo ko sa mesa. Gusto ko ng sumuko. Hirap na hirap na ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pagpatak ng isang butil ng luha .

WALANG imik-imik akong lumabas ng opisina ng doktor matapos niyang sabihin ang tungkol sa sakit ko. Wala naman siyang ibang sinabi eh, kundi may taning na 'yong buhay ko. Tanggap ko naman eh! Pero sana man lang, bago ako mawala sa mundong ito, magkaroon ako sana ng isang taong makakasama ko hanggang sa huling tibok ng puso ko.

"Mr. Sandoval, kailangan niyo na 'pong uminom ng gamot"
Kumunot 'yong noo ko nang marinig ko yong apilyedong 'yon galing sa loob ng room 201.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayokong uminom ng gamot ha!"

Bumilis 'yong tibok ng puso ko nang marinig ko 'yong sigaw na yon. Kilala ko 'yong boses na 'yom. Alam kong si Caven 'yon!.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintong 'yon. Bawat hakbang ko ay pabilis ng pabilis 'yong tibok ng puso ko. Para itong mga kabayo na susugod sa gyera.

Unti-unti Kong binuksan ang pinto.

"Ca-caven?"

Unti-unting nagbagsakan ang mga luha sa pisnge ko. para itong gripong walang tigil sa pagbuhos. Nakahiga siya sa hospital bed, namumutla at parang konting oras na lang ang ilalagi sa mundo.

"Ca-careen!" gulat niyang wika.

"Nu-nurse ako ng magpapainom sa ka-kanya," napapaos kong sambit sa nurse na pilit pinapakalma ang dibdib.

"Na'ko ma'am. Salamat po. Baka sa inyo po, uminom na siya. Ilang araw na po kasi siyang hindi umiinom ng gamot eh."

"Anong sakit niya, " kaba kong tanong.

"Uri po siya ng blood cancer. Kayo na pong bahala sa kanya"

Sagot niya bago siya umalis. Muli na namang nagbagsakan 'yong mga luha ko.Para na naman itong gripo na walang tigil sa pagbuhos. Tinitigan ko siya sa mata kahit halos hindi ko na siya makita dahil sa mga luha ko. Nakakagulat na ang isang masayahing Caven Sandoval ay may tinatagong sakit .

"Umalis ka na rito!" sigaw niya.

Kumirot ang dibdib ko sa uri ng pagsigaw niya. Nasasaktan ako na pinagtatabuyan niya ko. Umiiling-ilin­g akong lumapit sa kanya kasabay ang walang tigil kong luha. Humahagulgol ako yumakap sa kanya ng mahigpit, yakap na tila wala ng bukas, yakap na tila'y ito na ang huli.

"Ba-bakit Hindi mo sinabi!" umiiyak kong wika habang nakayakap pa rin sa kanya ng mahigpit.

"Dahil hindi mo kailangang malaman," may diin niyang wika.

"Bakit Hindi ko kailangang malaman?"

"Dahil wala ka lang naman eh!"

"Ano bang sinasabi mo? Kung ako wala lang sayo, ako hindi! Importante ka sa'kin. Alam mo ba 'yon?!"

"Walang tayo pero bakit mo sinasabi yan?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap at muli siyang tinitigan sa mata.

"Dahil gusto ko Caven.Dahil 'yon ang sinasabi ng puso ko!"

Pinilit kong magsaliita kahit nahihirapan.

"Kalokohan! Umalis ka na dito!"

"Ayoko!"pagmamatigas ko.

"Hindi kita kailangan, naiintindihan mo!"

"Wala akong pakialam"

"Umalis ka na. Ayokong makita ka!"

"Caven, wala akong pakialam"

"Ano bang hindi mo maintindihan! Ayokong nakikita mo 'kong ganito!"

"Wala parin akong pakialam"

"Careen!" galit niyang sigaw.

Yumuko ako at pilit na pinigilan ang muling nagbabadyang luha.

"Umalis ka na! Hindi kita kailangan!"

"Pwes! Ako, kailangan kita, naiintindihan mo?Kaya simula ngayon ,lagi na'kong nasa tabi mo. Ako na ang mag-aalaga sayo. Hindi kita iiwan, a-ano nang ma-mangyari!"

Sa puntong 'to, hindi ko napigilang mapahagulgol. Pinilit­ kong magsalita kahit hirap na hirap na 'ko.

LUMIPAS ang isang linggo na ganon lagi ang nangyayari. Palagi niya akong pinagtatabuyan pero wala naman akong pakialam eh! Pagpipilitan ko ang sarili ko hangga't kaya ko. Aalagaan ko siya hangga't nabubuhay ako. Hindi ko siya iiwan!.

"Bakit ba nagpapakahirap ka pang alagaan ako? Sa tutuusin, pwede mo naman akong iwan eh"

"Bakit nga ba?"

Unti-unti akong lumapit sa kanya at pinaglapit ang aming mga labi. Pinaglayo ko 'yon ng isang dangkal.

"kasi mahal kita"

MULING lumipas ang isang linggo. Masaya ako kasi napapansin kong bumabalik sa dati 'yong lakas niya at napapadalas na rin ang pag-ngiti niya. Sana nga, tuloy-tuloy na 'yon eh. Sana gumaling na sya.

"Careen"

"Bakit, may kailangan ka ba?"

"Nagugutom na kasi ako eh."

"Sige, bibili ako sa labas."

Tatayo na sana ako nang hawakan niya 'yong braso ko upang pigilan ako.

"Ah, 'di mo naman kailangan bumili eh. May prutas diyan. 'Yan na lang 'yong kakainin ko."

"Mmm...namiss ko kasing mag-noodles eh. Mag-noodles tayo," nakangiti kong wika na ikinangiti rin niya.

"Ikaw rin pala, sige, sa isang kondisyon!"

"Ha?ano yon?"

"Bumalik ka agad"

Ngiti lang ang tanging naging sagot ko sa kanya bago umalis dahil hindi ko alam kung makakabalik pa ba ko o hindi na.

NANG makabili ako ng cup noodles ay agad akong bumalik sa hospital. Malapit na ako sa kwarto ni Caven nang biglang manikip ang dibdib ko, sobrang sakit. Ang hirap huminga. Napasandal­ ako sa pader at unti-unting napaupo. Paulit-ulit akong huminga, nagbabakasak­aling mawala 'yong sakit pero mas lumalala lang ito. Paulit-ulit kong hinampas ang dibdib ko dahil hindi ko na talaga kaya. Hirap na hirap na 'ko. Gusto ko ng sumuko pero hindi pwede. Kailangan ako ni Caven. Kailangan kong balikan si Caven. Pinilit kong tumayo kahit hirap na hirap na ako. Nasa tapat na 'ko ng room ni Caven nang may marinig akong nagsasalita.

"Binabati kita Mr Sandoval dahil simula ngayon, hindi mo na kailangan manatili sa hospital dahil magaling  kana!"  masiglang wika ng doktor 

Unti-unting nagbagsakan ang luhang kanina ko pa pinipigilan pero sa puntong 'to, itoy luha na puno ng kasiyahan. Tila nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina lang. Sa wakas, magaling na siya. Hindi niya na ako kailangan. Pwede ko na siyang iwan.

~END OF FLASHBACK ~

"Ate, umiiyak ka ba? Hindi ko po maintindihan 'yong kwento," pagtatakang wika ng kapatid ko.

"Balang araw maiintindihan mo rin ang lahat."

CAVEN P.O.V
Tatlong taon na ang nakalipas simula nang iwan niya ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Hangga­­­ng ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit niya ako iniwan. Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na sana magkita kaming muli.

NAGLALAKAD ako sa pasilyo ng hospital. Pupuntahan ko 'yong kaibigan kong magiging ama na dahil ngayon 'yong araw na manganganak yong asawa niya.

"Pa-pasensiya na po Lola!" paumanhin ko nang may mabangga akong matanda na may dalang mga prutas. Nagkalat 'yong mga prutas sa sahig kaya agad ko iyong dinampot at iniabot sa kanya.

"Ayos lang iho. Salamat sa pagdampot"

"Pasensiya na po ulit.Tulungan ko na po kayo. Saan po ba 'to?"

"Salamat. Don sa pinakadulo, 'yung kuwarto"

Tinulungan ko siyang dalhin 'yong prutas sa pupuntahan niya. Pumasok kami sa isang room at nilapag 'yong mga prutas sa mesa.

"Lola, sino po siya?" tanong nong batang babae na katabi nong babaeng nakahiga sa hospital bed .Hindi ko nakikita 'yong mukha niya dahil natatakpan ito ng litratong hawak niya.

"Salamat uli iho. Napakabuti mong bata!"

"Wala po 'yon. Sige po, mauuna napo ko"

Bubuksan ko na sana 'yong pinto nang marinig ko 'yong bulong 'nung bata na siyang ikinakunot ng noo ko.'

"Ate, kamukha niya si kuya caven."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Unti-unti akong humarap at sa pagharap ko ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko alam kung paano magrereact nang makita siya. Ibang-iba siya sa itsura niya dati. Putlang-putla ang kanyang balat at tila'y konting panahon na lang ang ilalagi sa mundo. Unti-unting nagbagsakan ang mga luha ko. Nagtitig­an kami. Ang mga mata namin ay parehong nag-atanong. Gusto ko siyang bulyawan sa ginawa niyang pag-iwan sa'kin pero hindi ko magagawa iyon kung ang taong mahal ko ay nakikita kong nahihirapan.

"CAVEN mahal kita," nanghihinang wika ni careen.

"Mahal din kita Careen"

"Pwede ba tayong mag noodles?"

"Oo naman, bibili ako"

"Pwede bang hindi dito? Caven, gusto kong masilayan ang ganda ng mundo. Gusto Kong malanghap ang sariwang hangin. Gusto kitang makasama sa lugar na maganda at may sariwang hangin, pwede ba 'yon?"


"SALAMAT at pinagbigyan mo ko. Ito na siguro ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, ang makasama ka sa isang magandang lugar na may sariwang hangin"

"Wag mo ngang sabihin yan,marami pang mas magandang mangyayari ,naiintindihan mo"

"Caven mahal kita"

"Mahal din kita careen"

"Ah!ca-caven!"

"Careen!ayos kalang?" nag-aalala kong tanong .

"Ang sakit!"  umiiyak niyang wika.

Kung puwede ko lang akuin ang sakit na nararamdaman niya ay gagawin ko.

"Hihingi ako ng tulong!"

Tatayo na sana ako nang pigilan niya ko sa kamay.

"Wag mo 'kong iwan!manatili ka sa tabi ko!"

Hindi ko mapigilang umiyak nang makita ko ang sunod-sunod na luhang bumabagsak sa mga mata niya. Hirap na hirap siya.Niyakap ko siya ng mahigpi,  yakap na sana meron pang susunod. Ang hirap pala ng ganito, iyong wala kang magawa kundi panoorin yong taong mahal mo na nahihirapan.

"Manatili kang sa tabi ko ha-hanggang sa huling tibok ng pu-puso ko"

"Hu-huwag mo 'kong iwan Careen, pa-pakiusap"

"Pa-patawad kung hanggang di-dito na lang ako pero pa-palagi mong ta-tatandaan na..."

"Mahal kita Careen,Huwag mo 'kong iwan please"

"Pa-palagi mong tatandaan na i-ikaw lang ang la-lalaking mi-minahal ko. Mahal na ma-mahal kita, pa-paalam..."

Napahagulgol nalang ako nang maramdaman ko ang pag bigat niya. Ibig sabihin lang non, iniwan niya na 'ko.

Tuluyan na'kong iniwan ng taong mahal ko.

Tuluyan na'kong iniwan ni Caree.


THE END 

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING