ni: Kalangitan


"Mr. and Mrs. Fernando, I am very sad but your daughter have stage 4 colon cancer."

"Doc, ano po ang pweding gawin namin?"

Narinig ni Lexie ang sinabi ng doctor at ang iyak ng mama at papa niya. May colon cancer siya sa edad ng nineteen years old. Nalungkot siya sa nalaman dahil may pangarap pa siya sa buhay at dahil may sakit siya konti nalang ang natitirang oras na mabubuhay siya.

"Ma, bakit pa ako nandito sa ospital?" tanong niya sa mama niya.

"Kasi ‘di ka pa magaling, anak. ‘Wag kang mag-alala dahil ‘pag gumaling ka na, aalis tayo dito,” nakangiting sabi ng Mama niya pero may lungkot sa mga mata.

"Ma, alam kong may stage 4 colon cancer ako. No need to hide it kasi narinig ko ang doctor. Ma, gusto kong lumabas dito. Ayaw ko na sa mabahong lugar na ‘to."

Naiyak ang Mama niya sa kanyang sinabi, at dahil hiniling niyang lumabas ng hospital, pumayag ang kanyang mga magulang kahit labag sa loob nila. Todo bantay ang mga magulang niya at alaga sa kanya.

Isang araw, tumakas siya sa bahay nila at pumunta sa simbahan. Doon ay nakaupo lamang siya at nakitingin sa altar. Maraming beses iyong nangyaring tatakasan niya ang mga magulang dahil mahigpit na pinagbabawal ang lumabas siyang mag-isa.

Hanggang isang araw, may nadatnan siyang isang babaeng umiiyak. Linapitan niya ito at kinausap.

"Miss, anong problem?"

Lumingon ang babae sa kanya at kita niya ang basang pisngi nito.

"May isang bata kasi sa orphanage na may symptoms ng colon cancer pero hindi namin kaya ang gastos ng ospital."

Napatigil siya sa sinabi ng babae. Alam niyang stage 4 na siya at wala ng chance na gumaling pa pero ang batang iyon ay meron pa. Gusto niyang tulungan ang bata at labanan ang sakit na colon cancer. Gusto niyang maagapan agad.

"Ako nga pala si Lexie. Anong name mo?" tanong niya sa babae.

"Christine, po," matipid nitong sagot.

"Christine gusto kong makita ang bata."

Pumunta si Lexie sa orphanage at nakita ang six years old na bibong si Marco. Lumapit siya sa bata at kinausap ito. Napakabait na bata ni Marco at nakakatuwa din. Pagkauwi niya, sinabi niya samga magulang niya ang tungkol kay Marco. Dahil sa kahilingan ni Lexie na maipagamot si Marco ay pinagbigyan ito ng mga magulang. Masaya ang mga madre at mga kasamang bata ni Marco sa orphanage, lalo na ang magkaibigang si Lexie at Christine.

Ngunit sa gitna ng kaligayan ay bigla na lang nahimatay si Lexie. Nagpanic ang lahat, lalo na ang mga magulang niya. Ang mas masakit pa ay bilang na lang ang araw niya. Labis ang lungkot ng lahat sa nalaman pero tanggap na ni Lexie ang nangyayari sa kanya. Na-confine si Lexie sa ospital.

Isang hapon nagpanic ang mga magulang niya dahil nawawala si Lexie. Tulong- tulong silang naghahanap pero hindi talaga nila nakita si Lexie. Lahat ng posibleng puntahan ni Lexie ay nasuyod na nila, pwera sa simbahan.

"Sa Basilica del Sto. Niño," sabi ni Christine.

Agad silang pumunta doon at nadatnan ang malamig na bangkay ni Lexie. Nakaupo ito sa pinakaharap, masayang nakapikit ang mga mata. Nag-iyakan ang lahat pero nakuha ang attention nila dahil sa isang papel sa kanang kamay ni Lexie. Isang sulat pasasalamat, paghingi ng tawad at kahilingan. Hiniling niyang gagawa ng isang foundation laban sa colon cancer at tulungan ang orphanage, at ang hiling na ampunin ng mga magulang si Marc para mas matuunan ang sakit ni Marco.

Gusto niyang tulungan ang mga may katulad niyang sakit na colon cancer lalo na ang maaagapan pa.

The end.

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING