ni: Zerroineteyp


"Vanessa! Vanessa! Vanessa! Stop!!!I have something to tell you." 

Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Gea, classmate ko. Hingal siyang tumigil sa harap ko habang nakahawak sa magkabilang tuhod dala ng pagtakbo.

"Ano ba ‘yon Gea?"

"Oh,God! Magugulat ka Vanessa. Nakita ko ang boyfriend mo, may kahalikan."

Agad akong humagalpak ng tawa at naiiling na tumingin sa kaniya.

"Ano? why are you laughing? Hindi ka ba maiinis sa sinabi ko?"

"Seriously, Gea? Hindi magagawa sa’kin ni Janrey ‘yon. Mahal niya ‘ko kaya huwag mo siyang siraan sa’kin, okay?"

"How stupid you are Vanessa! Kung ayaw mong maniwala, ede huwag! Magbe-break din kayo!"

Napanganga na lang ako habang naka tingin sa bulto niyang papalayo .

Hayts, mga tao nga naman. Gagawa-gawa ng kuwento para lang makapanira sa kapwa.

Kinuha ko ‘yong cellphone ko sa bulsa ng palda ko at nag-message sa boyfriend ko .

"Babe? Uwian na namin. Sabi mo, sabay tayong uuwi, diba?"

"Hey,girl? Wrong send ka yata. Ako ang girlfriend ng tinext-an mo."

Napaawang ang bibig ko at agad na nag-isang linya ang kilay. Nangpa-prank na naman siguro siya.

"Babe, huwag ka ngang ganiyan. Nampa-prank ka na naman eh. Pupuntahan na lang kita riyan,"

"Duh! Anong prank? Stop texting my boyfriend! At huwag ka ngang malandi. Hindi ko alam kung sino ka at kung paano mo nalaman ang number ng boyfriend ko but let me tell you something, huwag na huwag kang magpapakita sa’kin dahil galit ako sa mga lumalandi sa boyfriend KO!!!!"

Napahawak ako sa dibdib at nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung dapat na ba akong umiyak o magalit pero natagpuan ko na lang ‘yong sarili kong tumatakbo patungo sa classroom ng boyfriend ko.

"No...no way, Ja-Janrey?"

Agad kong nasapo ang dibdib at naglandasan ang mga luha sa pisnge habang napapailing na pinapanood silang naghahalikan.

"Hi-hindi"

Napatigil sila sa kanilang ginagawa nang maramdaman ang prensensiya ko.

"Vanessa!"

Agad akong tumakbo habang umiiyak

*BEEBBB!!!*

Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakagalaw sa kinatatayuan hanggang sa sumalpok ako sa sasakyan.

5 years later …..

5 years na ang lumipas simula ng masagasaan ako at mawalan ng memorya. Nakatulala lamang ako sa kawalan hanggang sa unti-unting gumuhit sa labi ko ang poot at galit.

"Hey, Babe," mapang-akit kong wika habang lumalapit kay Janrey at walang sere-seremonyang hinalikan siya sa labi.

"Va-vanessa!"

Nakangisi akong tumingin kay Kim, ang girlfriend niya na gulat sa ginawa ko pero agad ding napalitan ng masamang tingin.

Muli kong hinalikan si Janrey at mas pinalalim pa ang halikan namin hanggang sa mapaungol siya sa sarap. Lihim akong ngumisi. Tinulak ko siya at ginawaran ng mag asawang sampal. Nagulat siya sa ginawa ko at hindi naipinta ang mukha.

"God, why did you slap me?!"

"Deserve you right?"

Umalis na ko sa bar at matagumpay na ngumiti.

Next day…..

Kumakain ako ng hapunan nang biglang tumunog ang phone ko. Ngumisi ako bago sinagot ang tawag.

"Fuck Vanessa! .Four hours na ‘kong naghihintay dito. Sabihin mo naman kung matutuloy pa ba itong date natin o hindi. Huwag ka namang paasa!"

"Oh, hello dear Janrey, masarap bang maghintay?"

"So sinadya mo ‘yon?"

"No, bye!"

WALANG araw na Hindi ko sinisira ang araw ni Janrey. Until one day, nalaman ko na lang na break na sila ni Kim. Whuhahahaha! Ang saya naman ng araw ko. Nagpatuloy ako sa pagja-jogging nang may lalaking sumabay sa’kin sa pagtakbo.

"Hey babe!"

Nanlaki ang mga mata ko at napahinto.

"Ja-Janrey?"

"Nagulat ba kita?"

"Hindi naman."

"How are you?"

"Okay lang sana kaso dumating ka"

*BEEBB!!!!*

"Ow my god!"

Muntik na Kong mahagip ng sasakyan. Mabuti na lang at agad akong nahila ni Janrey.

Lumabas ‘yong driver ng kotse na muntik ng humagip sa’kin pero nagulat ako nang si Kim pala ang driver .

"Hi."

"Kim! Why are you here?"

"Sa’yo ba ang lugar na ito, Janrey?"

"Sinadya mong sagasaan ako,” sabat ko sa usapan nila.

"Hahahaha, tama ka, but don't worry, hindi na mauulit iyon. May sasabihin lang ako. Because of you, bumagsak ang kompanya namin. Because of you, inatake si dad sa puso na dahilan ng kaniyang pagkamatay. Because of you, my mother committed suicide. Because of you, nakipag-break sa’kin si Janrey. Because of you, kaya naghihirap ako ngayon.Sana maging masaya ka sa paghihiganti mo."

Napatulala na lang ako nang makaramdam ako ng hapdi sa aking pisnge dahil sinampal niya ko bago umalis.

"Oh,God! Please tell me na hindi mo ginawa ‘yon," sabi ni Janrey.

"Ano bang ginawa ko?"

"Alam kong naghihigante ka sa panloloko ko sa’yo pero bakit pati si Kim? Okay lang sana na ako lang."

"Bakit? Kase mahal mo siya? Kase ayaw mo siyang masaktan? Kase....damn! Wala akong kasalanan!!!"

UMIIYAK AKO habang nagpapakalunod sa alak nang may tumawag sa’kin.

"Hello Ma'am. Tapos na po. Bagsak na po ang kompanya ng..."

Mapait akong ngumiti at pinatay ang tawag. Hindi ako dapat magsisi. Wala akong dapat pagsisihan. Dapat lang sa kanila ‘yon.

Nang may tumawag na naman sa phone ko .

"Hello,Vanessa?"

"Gea."

"Nabalitaan mo na ba? Naghihirap na ngayon ang pamilya ng ex mo."

"Dapat Lang...."

"Huwag kang heartless Vanessa. Makakaya mo kaya ‘pag sinabi kong your ex committed suicide? Natagpuan siya sa kuwarto niyang laslas ang kamay!"

Nabitawan ko ang cellphone ko at humagalpak ng tawa hanggang sa nauwi sa iyak.

"Yes. I am the reason kung bakit bumagsak ang kompanya nila kase mga gago sila,ow my god!" 

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa taong kaharap ko.


Hindi ko alam ang nangyayari sa akin.

"Hindi patay si Janrey. Hindi siya totoong patay. Kinuha mo siya, diba! Huwag kang sinungaling. Pinalabas mo ‘pang nag-suicide siya pero ang totoo, kinuha mo siya. Ibalik mo siya. Ibalik mo siya!!!!!"

"Ma'am, uminom po muna kayo ng gamot. Lumalala na po ang sakit niyo."

"Sino ka ba? Siguro ikaw ang kumuha kay Janrey noh!!!!"

"Ma'am, 5 years na po siyang patay..."

"Ow my God!Pinatay mo siya!!!!!"

"Hindi ko po siya pinatay. Kayo ang pumatay sa kaniya. Pinatay siya ng paghihigante niyo"

"No!!! Hindi!!! Hindi ko kayang gawin ‘yon. Mahal ko siya, mahal niya ko, mahal namin ang isat-isa, but he cheated on me."

Umiiyak akong umupo sa sahig habang yakap ang tuhod at paulit-ulit na hinampas ang ulo .


(THE END)

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING